Tinatawag ding mercury at quicksilver, ay mabigat na element at metalikong kemikal, may atomic number 80 at symbol na Hg, at likido sa katamtamang temperatura.
Sabi ni nanay, nakalalason daw ang asoge kung ito ay iyong nakain.
Specific base pairing is essential to the process of transcription and translation because any change/s in the sequence of nitrogenous bases in the DNA may cause changes in the kind, sequence, and number of amino acids of proteins synthesized by cells. Changes in the protein structure or level of expression may lead to change in cellular properties and behavior, as a result, the organism is affected.
Isang malaking eskultura ang retablo na karaniwang nakapahiyas sa likod ng altar ng mga lumang simbahang Katoliko. Mistula itong malapad na dingding, karaniwang yari sa kahoy, nahahati sa mga nitso na kinalalagyan ng mga imaheng relihiyoso, o mga palamuting relyebe. Nakamamangha ang retablo na nakalagay sa simbahan namin.
Ito ay kilala rin sa tawag na praying mantis sa Ingles o "nananalanging mandarangkal," mandadangkal, sasamba o samba-samba dahil sa paraan ng pagtikwas ng harapang binti nito habang hawak ang nahuling pagkaing kapuwa insekto o kulisap. Mahaba ang katawan nito, balingkinitan at kulay lungtian o kayumanggi . Sinasabing ito ay may haba na tatlong pulgada. May paa ito na panlakad at dalawang paa sa harapan. Matibay din ang mga pakpak ng mandarangkal. Napakaraming mandarangkal sa labas ng bahay.
Comments
Post a Comment