ANDADOR
Ito ang tradisyonal na kasangkapan para masanay ang isang musmos na lumakad. Kung baga, ito ang walker ngayon. Karaniwang yari ang andador sa yantok na hinutok para bumuo ng dalawang singsing at mga posteng yantok din o kawayan na may taas na hanggang dibdib ng musmos. Ipinipasok sa loob ng andador ang musmos ngunit nakalabas ang mga kamay, at pinababayaang "lumakad" paikot-ikot sa sala ng bahay.
Mismong aking ama ang gumawa ng aking andador.
Comments
Post a Comment