Posts

Showing posts from September, 2016

RETABLO

Image
Isang malaking eskultura ang retablo na karaniwang nakapahiyas sa likod ng altar ng mga lumang simbahang Katoliko. Mistula itong malapad na dingding, karaniwang yari sa kahoy, nahahati sa mga nitso na kinalalagyan ng mga imaheng relihiyoso, o mga palamuting relyebe. Nakamamangha ang retablo na nakalagay sa simbahan namin.

PAROLA

Image
Toreng gabay ang parola at may ilaw na sinisindihan upang pumatnubay sa mga magdaragat lalo na sa gabi. Gigibahin nila ang lumang parola at gagawa ulit ng bago.

PANYUWELO

Image
Ang kuwadradong tela na itinupi patatsulok, ibinalabal sa balikat at itinatapat ang dalawang dulo sa may dibdib ng isang babae. Ito ay isang mahalagang bahagi ng kasuotang Filipino para sa kababaihan noong panahon ng Espanyol. Nahanap ko na ang panyuwelo ni mama.

TUTUP

Image
Ito ay tila kalahating bola na ginagamit pantakip ng pagkain para hindi madapuan ng langaw at para hindi mabilis lumamig. Bumili si lola kanina ng tutup.

TINGGA

Image
o lead sa Ingles, ay solido at metal na elementong may kulay na mamuti-muting asul. Nagiging kulay abo ito kapag matagal na hinayaan sa hangin. Nagiging makinang na katulad ng pilak naman ang kulay nito kung tutunawin at nasa anyong likido. Katulad ng tanso, ang tingga ay malambot at madaling nauunat, napaninipis, o napalalapad sa pamamagitan ng lakas at pukpok ng martilyo. Iniiwasan na ng aking ina ang pagbili ng mga gamit na may tingga.

ASOGE

Image
Tinatawag ding mercury at quicksilver , ay mabigat na element at metalikong kemikal, may atomic number 80 at symbol na Hg, at likido sa katamtamang temperatura. Sabi ni nanay, nakalalason daw ang asoge kung ito ay iyong nakain.

ARANYA

Image
Ay isang sanga-sangang kumpol ng mga ilaw na nakasabit sa kisame ng bulwagan o pangunahing pinagtitipunan ng mga tao sa isang gusali. Bukod sa gamit bilang ilaw ay nagsisilbi itong palamuti at tatak ng karangyaan. Mas maraming nakakumpol na ilaw, mas marangya at kahanga-hanga. Noong araw, kandila ang mga ilaw na itinutulos sa aranya. Ngayon, mga bombilya ang mga ilaw ng aranya, bagaman may mga bombilyang hinubog kandila ang ikinakabit. Napakaganda ng aranya na nakakabit sa simbahan.

ANDADOR

Image
Ito ang tradisyonal na kasangkapan para masanay ang isang musmos na lumakad. Kung baga, ito ang walker ngayon. Karaniwang yari ang andador sa yantok na hinutok para bumuo ng dalawang singsing at mga posteng yantok din o kawayan na may taas na hanggang dibdib ng musmos. Ipinipasok sa loob ng andador ang musmos ngunit nakalabas ang mga kamay, at pinababayaang "lumakad" paikot-ikot sa sala ng bahay. Mismong aking ama ang gumawa ng aking andador.

OYAYI

Image
Ito ay awit pampatulog ng bata o sanggol. Isa ito sa pinakamatandang halimbawa ng awit ng mga Filipino. Napakahusay ang pagawit ng aking ina ng oyayi.

MANDARANGKAL

Image
Ito ay kilala rin sa tawag na praying mantis sa Ingles o "nananalanging mandarangkal," mandadangkal, sasamba o samba-samba dahil sa paraan ng pagtikwas ng harapang binti nito  habang hawak ang nahuling pagkaing kapuwa insekto o kulisap. Mahaba ang katawan nito, balingkinitan at kulay lungtian o kayumanggi . Sinasabing ito ay may haba na tatlong pulgada. May paa ito na panlakad at dalawang paa sa harapan. Matibay din ang mga pakpak ng mandarangkal. Napakaraming mandarangkal sa labas ng bahay.